LABING isang indibidwal ang nasawi sa mga pag-atake sa tatlo umanong drug-trafficking boats sa Eastern Pacific and Caribbean, ayon sa US military.
Mula sa 11 “male narco-terrorist,” tig-apat ang napaslang sa una at pangalawang vessel sa Eastern Pacific habang tatlo sa ikatlong vessel sa Caribbean.
Mahigit 40 lethal strikes ang inilunsad ng Trump Administration sa umano’y drug boats sa Caribbean Sea at Pacific Ocean simula noong Setyembre.
Inihayag ng US Southern Command na kumpirmadong dumadaan ang vessels sa narco-trafficking routes at nagsasagawa ng narco-trafficking operations.




