NAGSAGAWA ang Department of public Works and Highways (DPWH) ng limang oras na dry run sa San Juanico Bridge.
Nagsimula ito ng alas tres ng hapon, kahapon hanggang alas otso ng gabi.
ALSO READ:
Militar sa Eastern Visayas, nanawagan sa mga rebelde na magnilay-nilay ngayong Semana Santa
“Pintahang Pagkakaisa,” pinangunahan ng kabataang artists sa Tacloban City para isulong ang nasyonalismo
Halos 300 senior high student sa Leyte, na-hire on the spot sa job fairs
Higatangan Festival sa Biliran, kinansela sa gitna ng lumolobong presyo ng produktong petrolyo
Ito ay para subukin ang pagbabalik sa 15-Ton Load Capacity ng tulay, tatlong buwan matapos ang implementasyon ng 3-Ton Limit.
Ipinatupad ang Two-Way Traffic sa bilis na 30 kph, at pinayagang dumaan ang mga sasakyan na may bigat na labinlimang tonelada.
Ang naturang aktibidad ay bahagi ng paghahanda para sa official reopening ng San Juanico Bridge, bukas.
