7 July 2025
Calbayog City
National

55% ng pamilyang Pinoy, ikinu-konsidera ang kanilang sarili na mahirap

LIMAMPU’T limang porsyento ng pamilyang Pilipino ang ikinu-konsidera ang kanilang mga sarili na mahirap, batay sa resulta ng Stratbase at Social Weather Stations para sa unang quarter ng 2025.

Sa April 11-15 Stratbase-SWS survey, lumitaw na 12% ng pamilyang Pinoy ang ni-rate ang kanilang sarili sa borderline ng poor at not poor, habang ang natitirang 32% ang nagsabing hindi sila mahirap.

Ayon sa survey firm, ang April 2025 percentage ng self-rated poor families na 55% ay mas mataas ng 3 points mula sa 52% noong Marso.

Sa December 2024 survey, 63% ng mga Pinoy ang itinuring ang kanilang sarili na mahirap habang 11 percent ang nasa borderline, at 26% ang hindi mahirap.

Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews, na nilahukan ng 1,800 registered voters sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).