ITINANGHAL si June Mar Fajardo bilang Most Valuable Player sa 47th Season ng Philippine Basketball Association (PBA).
Ito na ang ika-pitong overall MVP Plum ni Fajardo mula nang makatanggap siya ng award sa loob ng anim na sunod na seasons simula 2014 hanggang 2019.
Si Fajardo na tinanghal ding Best Player of the Conference sa Philippine Cup, ang nanguna sa statistical point race sa kanyang average na 42.2 statistical points.
Naungusan niya sina Scottie Thompson, CJ Perez, at Christian Standhardinger para sa top individual award.
Ang apat na nabanggit na players ang bumuo sa first mythical team kasama si Jamie Malonzo.