SINUSPINDE ng Philippine Coast Guard (PCG) ang paglalayag sa ilang bahagi ng Eastern Samar at Northern Samar bunsod ng bagyong Leon.
Sa Eastern Samar, apektado ng No-Sailing Policy ng PCG ang mga bayan ng Arteche, Oras, Jipapad, at San Policarpo.
ALSO READ:
Illegal gun dealer, patay matapos manlaban sa mga pulis sa Calbayog City
Halos 3 milyong pisong halaga ng tulong pangkabuhayan, ipinagkaloob ng DOLE sa mga grupo ng kababaihan sa Southern Leyte
Mahigit 142,000 na disadvantaged workers, natulungan ng TUPAD sa Eastern Visayas noong 2025
Eastern Visayas, nakapagtala ng 0.7% Inflation noong 2025; pinakamababa sa loob ng 30 taon
Epektibo rin ang naturang kautusan sa mga bayan ng San Roque, Catubig, Laoang, Lapinig, Pambujan, Palapag, Gamay, Mapanas, at Mondragon, sa Northern Samar.
Kamakailan lamang ay naapektuhan din ang mga naturang lugar nang manalasa ang severe tropical storm Kristine sa bahagi ng Eastern Visayas.
