DADALHIN ng Sexbomb Girls ang kanilang “Get Get Aw!” Reunion Show sa labas ng Metro Manila sa unang pagkakataon.
Kinumpirma ng leader ng girl group na si Rochelle Pangilinan na mangyayari ang first regional concert tour ng P-Pop icons sa Tacloban City Convention Center o Astrodome, sa Leyte, sa March 14.
Ang Tacloban Show ay dalawang Linggo bago ang reunion concerts ng Sexbomb Girls sa abroad na magsisimula sa United Arab Emirates.
Magpe-perform din ang grupo sa Aurora Music Festival sa Clark, Pampanga sa Mayo, saka lilipad patungong United States para sa dalawang shows sa California.




