TINAYA sa limandaang pamilya ang nawalan ng tirahan nang masunog ang nasa isandaang kabahayan, sa Barangay Manggahan, sa Pasig City.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), tumagal ng mahigit apat na oras ang sunog bago naapula.
ALSO READ:
MRT-3, may libreng sakay sa mga kababaihan sa March 8
Vlogger na si Francis Leo Marcos, nakalabas na sa kulungan matapos magpiyansa ng 120,000 pesos
Senior citizen, patay; PWD, nawawala sa sunog sa Intramuros, Maynila
5-minute response sa road emergencies, tiniyak ng MMDA sa pamamagitan ng traffic hotline
Sinabi ng bfp na bagaman umabot sa ikatlong alarma, ay wala namang nasugatan o nasawi sa naturang sunog.
Ipinaliwanag naman ni Fire Officer 3 Christopher Girao ng Fire and Arson Investigation Unit ng BFP-Pasig, na kaya umabot sa ikatlong alarma ang sunog ay dahil gawa sa light materials ang mga kabahayan, gaya ng kahoy, kaya mabilis kumalat ang apoy.
Nagsimula umano ang sunog sa bahay ng isang residente na nagluto gamit ang panggatong na kahoy.
