HINDI bababa sa limampung boko haram fighters ang nasawi habang pitong miyembro ng Infrastructure Security Force ng Nigeria ang nawawala matapos tambangan ng mga rebelde ang convoy na nagbabantay sa power grid installations ng bansa.
Ayon kay Babawale Afolabi, spokesperson ng Nigerian Civil Defense Corp, inambush ng nasa dalawandaang boko haram fighters ang security operatives habang nagsasagawa ng patrol mission.
Peru, nagdeklara ng 30 araw na State of Emergency sa Lima para talakayin ang tumataas na krimen
French Ex-President Sarkozy, sinimulan na ang kanyang Jail Sentence bunsod ng Campaign Finance Conspiracy
2 Airport staff, patay matapos dumulas sa Runway ang 1 Cargo Plane sa Hong Kong
Pakistan at Afghanistan, nagkasundo para sa agarang Ceasefire Pagkatapos ng Peace Talks sa Doha
Bagaman karaniwang nag-o-operate ang Boko Haram sa hilagang silangan, sinabi ng Nigerian Authorities na magyroon ding balwarte ang rebeldeng grupo sa malalaking muslim niger state, kung saan nakapagsagawa ang mga ito ng mga pag-atake laban sa militar at mga sibilyan.
Sa hiwalay na pag-atake sa Borno State, inihayag din ng tagapagsalita na limang sundalo ang pinaslang ng mga hinihinalang rebelde.
