LIMA ang nasawi habang dalawampu’t apat na iba pa ang nasugatan sa pagsabog sa imbakan ng mga paputok sa Barangay Tetuan, Zamboanga City.
Sa lakas ng pagsabog, nabasag ang mga salaming bintana at nasira ang ilang mga kabahayan malapit sa Warehouse.
ALSO READ:
12 kabataan, nahuli dahil sa iligal na karera ng mga motorsiklo sa Bulacan
Halos 10,000 na pulis, ipinakalat sa BARMM bilang paghahanda sa Parliamentary Elections
Bus ng Solid North suspendido ng 1 buwan matapos masangkot sa aksidente sa Nueva Ecija
Mahigit 2,400 na magsasaka sa Pampanga tumanggap ng tulong-pinansyal sa ilalim ng AKAP
Kabilang sa mga namatay ang security guard ng warehouse at kanyang apat na taong gulang na anak na lalaki.
Umabot sa 62.5 Million pesos ang halaga ng pinsala ng naturang pagsabog habang tumagal ng tatlong oras bago naapula ng mga bumbero ang sunog.