LIMANG indibidwal ang nasawi habang pitong iba pa ang malubhang nasugatan sa pamamaril ng Palestinian gunmen sa Jerusalem.
Ayon sa mga pulis at paramedics, ang mga nasawi ay kinabibilangan ng tatlong lalaking nasa trenta ang edad, at isang babae at isang lalaki na kapwa nasa singkwenta anyos.
ALSO READ:
 5 pang suspek, inaresto bunsod ng Louvre Heist sa Paris 5 pang suspek, inaresto bunsod ng Louvre Heist sa Paris
 Israel, muling umatake sa Gaza matapos akusahan ang Hamas na lumabag sa Ceasefire; 20 katao, patay! Israel, muling umatake sa Gaza matapos akusahan ang Hamas na lumabag sa Ceasefire; 20 katao, patay!
 Lithuania, isinara ang Border sa Belarus kasunod ng paglabag sa kanilang Airspace Lithuania, isinara ang Border sa Belarus kasunod ng paglabag sa kanilang Airspace
 Egypt at Red Cross, tumulong sa paghahanap sa labi ng mga bihag sa Gaza Egypt at Red Cross, tumulong sa paghahanap sa labi ng mga bihag sa Gaza
Siyam katao naman na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ang dinala sa ospital, kabilang ang tatlong iba pa na nasugatan dahil sa mga basag na salamin.
Sinabi ng Israeli police na dalawang terorista ang dumating lulan ng sasakyan saka walang habas na nagpaputok ng baril patungo sa Bus Stop sa Ramot Junction.
Isang security officer at isang sibilyan naman ang gumanti ng putok at na-neutralised ang mga umatake.

 
					 
					 
					 
					 
					 
					 
					 
					 
					 
					 
					
									