INARESTO ng mga otoridad ang limang Chinese nationals sa Laguna dahil sa paglabag sa Immigration Law.
Ipinatupad ng CIDG Laguna Provincial Field Unit Mission Order na inilabas ng Bureau of Immigration laban sa limang dayuhan na nagpanggap bilang mga Pinoy.
Natuklasan din ng BI na nagnenegosyo sila sa bansa nang walang karapatang dokumento at permit.
Mahaharap ang lima sa kasong paglabag sa Philippine Immigration Act of 1940.




