HINDI magsasawa ang House Justice Committee na padalhan ng imbitasyon si Vice President Sara Duterte para padaluhin siya sa impeachment hearings.
Ayon kay House Justice Committee chairperson at Batangas Rep. Gerville Luistro, wala pang kumpirmasyon mula sa kampo ng bise presidente kung dadalo ito sa pagdinig ngayong araw ng Miyerkules.
ALSO READ:
Kung hindi pa rin sisipot, patuloy pa ring padadalhan ng imbitasyon si VP Sara.
Ang mga susunod na pagdinig ng komite ay itinakda sa April 14, 22 at 29.
Ayon kay Luistro, pagkakataon ang mga pagdinig na ito para kay VP Sara upang magpresenta ng ebidensya at idepensa ang sarili.




