LAGLAG sa Third Round ng Miami Open si World No.1 Carlos Alcaraz ng Spain, matapos padapain ni ranked 36 Sebastian Korda sa score na 6-3, 5-7, 6-4.
Nasungkit ni Korda ang kanyang unang panalo laban kay Alcaraz, na dalawang magkasunod na nag-early exit sa Miami.
Noong 2022, itinaas ng Spanish tennis player ang trophy ng Miami Open, subalit natalo ito sa Second-Round opener laban sa 55th-ranked Belgian na si David Goffin noong nakaraang taon.
Sunod naman na makakalaban si Korda kung sino ang mananalo kina Spanish Qualifier Martin Landaluce at 14th- Seeded Karen Khachanov, para sa makakuha ng spot sa Quarter-Finals.




