PANSAMANTALANG pinayagan ng Department of Energy ang limitadong paggamit ng Euro 2 Fuel bilang contingency measure sa gitna ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Layunin ng utos ng DOE na mapanatili ang sapat at accessible na suplay ng krudo lalo na sa mga sektor na posibleng maapektuhan ng problema sa suplay at presyuhan ng langis.
Ayon sa DOE, targeted at istriktong babantayan ang hakbang at hindi nito papalitan ang umiiral na Euro 4 Standards sa bansa.
Sa ilalim ng patakaran, maaaring gamitin ang Euro 2 Fuel para sa mga lumang sasakyan, traditional jeepneys, at industrial at marine applications.
Iniutos din ng DOE ang mahigpit na segregation sa mga uri ng fuel kasama ang pagbabantay at pagpataw ng parusa sa mga lalabag sa quality standards.




