MAY alok na dalawang daang libong pisong reward para sa mabilis na ikadarakip ng suspek sa pamamaslang sa engineer ng Department of Public Works and Highways sa Northern Samar.
Ang biktima na si Engineer Karen Corsino Del Valle ay binaril ng dati niyang kinakasama na isang aktibong sundalo.
ALSO READ:
4-day onsite work arrangement at energy conservation protocols, tinalakay sa pulong ng Calbayog LGU
Bagong rehabilitation center, binuksan sa Albuera, Leyte
DSWD-8, naghahanda para sa 3.49 billion pesos na social pension ng senior citizens
Calbayog City Duterte Supporters Signature Campaign, naguin malinampuson
Ayon sa DPWH, naglabas ng tig-iisang daang libong pisong reward sina Sec. Vince Dizon at dating Congressman Paul Daza para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan ni Sgt. Jerome Lluz Tejero.
Personal na nakiramay si Dizon sa pamilya ng biktima at bumisita sa burol nito sa bayan ng Catarman.
Ang kapatid na lalaki ni Del Valle na tinamaan din ng bala ng baril ay nasa ospital pa at kritikal ang kondisyon.
