INANUNSYO ng Department of Transportation (DOTr) na isasara ang bahagi ng North Avenue sa Quezon City sa loob ng mahigit dalawang buwan upang bigyang daan ang konstruksyon ng Metro Rail Transit Line 7 (MRT-7).
Sa Traffic Advisory, sinabi ng DOTr na isasara ang Lane ng North Avenue patungong Elliptical Road, 24 hours a day, simula Sept. 24 hanggang Nov. 30, 2025.
ALSO READ:
Ito ay upang magawa ng contractor na SMC Mass Rail Transit 7 Inc. ang paghuhukay para sa pedestrian tunnel ng Quezon Memorial Circle Station.
Pinayuhan naman ang mga motorista at commuters na gumamit ng mga alternatibong ruta sa nabanggit na construction period.
Naglabas din ang ahensya ng detalyadong rerouting schemes para maging gabay ng publiko.




