SINUSPINDE ng Supreme Court (SC) ang isang Regional Trial Court presiding judge sa Catbalogan City, Samar, ng anim na buwan nang walang bayad.
Ito’y matapos mapatunayan ang kanyang pananagutan para sa serious dishonesty dahil sa kabiguang ibunyag ang nakabinbing kasong kriminal bago ang kanyang appointment sa hudikatura.
ALSO READ:
Mahigit 10,000 atleta, lalahok sa EVRAA Meet sa Baybay City
PDLs sa Northern Samar, nagsimula ng gumawa ng tinapay sa loob ng kulungan
Martsa at rally, isasagawa sa Calbayog City bukas bilang paggunita sa anibersaryo ng EDSA People Power
Pahinante, nasagip matapos bumaliktad ang sinasakyang truck sa San Juanico Bridge
Sa ruling na inakda ni Chief Justice Alexander Gesmundo, ipinag-utos ng SC En Banc ang suspensyon ni Presiding Judge Alfonso Cinco IV ng Catbalogan City RTC Branch 29.
Nag-ugat ang suspensyon sa administrative complaint na inihain ng Office of the Court Administrator na nag-aakusa kay Cinco ng serious dishonesty and commission of a crime involving moral turpitude.
