ISA pang Pinoy ang nagpabilib sa “Britain’s Got Talent.”
Sa latest episode ng reality competition, isang makapanindig-balahibong performance ang ipinamalas ng Filipina singer na si Kristel Herrera.
Inawit ng Pinay na naninirahan sa Halifax, West Yorkshire, ang “Run To You” ni Whitney Houston.
Pagkatapos ng kanyang powerful audition, nakatanggap si Kristel ng apat na yes mula sa mga judge na sina KSI, Amanda Holden, Alesha Dixon, at Stacey Solomon na humalili sa head judge na si Simon Cowell, na sinamahan pa ng standing ovation mula sa audience.
Uusad ang Pinay singer sa susunod na round kung saan kailangan niyang makakuha ng spot para sa live Semifinals.
Una nang nakakuha si Matty Juniosa ng golden buzzer nang mag-audition ito, na nangangahulugang awtomatik itong uusad sa live Semifinals.




