INATASAN ng Department of Agriculture ang Food Terminals Incorporated o FTI na bumili ng sibuyas sa mga local producers para maiwasan ang pagbagsak ng presyo nito.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., nag-dispatch na ng team mula sa FTI patungo sa Onion Capital na Nueva Ecija.
Tiniyak ni FTI na may nakahandang cold storage facility na kayang makapag-imbak ng fifty thousand bags ng sibuyas.
Bawat bag ay maglalaman ng twenty-eight kilos ng sibuyas.
Sa nasabing probinsya, pumapalo sa 45 pesos per kilo ang pinakamataas na farm gate price.
Maliban sa Nueva Ecija, tiniyak na rin ng FTI ang suporta sa iba pang onion-producing provinces gaya ng Occidental Mindoro, Pangasinan, at Cagayan Valley para mapanatili ang farm gate prices ng produkto.




