KINAPOS ang bente anyos na Pinay sa lower-ranked American opponent na si Alycia Parks, sa harap ng overwhelming fans.
Sa unang round ay hindi pinaporma ni Eala si Parks at nakuha nito ang 6-0, bagaman ang 2nd at 3rd sets ay pumabor na sa American tennis player, sa score na 6-3, 6-2.
ALSO READ:
Ilang ulit ding sinaway ng umpire ang mga nanonood na huwag masyadong maingay, subalit hindi nila napigilan na hindi mag-cheer para sa Pinay tennis superstar.
Daan-daang Filipino fans din ang nanood sa mga kalapit na big screens at nagwagayway ng watawat ng Pilipinas.




