NAKIISA ang mga celebrities sa mga Pilipinong kumukondena sa korapsyon na kinasasangkutan ng mga opisyal ng pamahalaan at iba pang mga personalidad.
Kabilang sa mga lumahok sa Trillion Peso March, sa EDSA People Power Monument kahapon ay sina Vice Ganda, Anne Curtis, Donny Pangilinan, Darren Espanto, Jasmine Curtis-Smith, Ion Perez, at Jackie Gonzaga
BB. Pilipinas Universe 1989 Sara Jane Paez Santiago, pumanaw sa edad na 58
Toni Gonzaga, itinanggi na sila ni Paul Soriano ang “power couple” na nasa blind item
BTS, dadalhin ang upcoming World Tour sa Pilipinas sa March 2027
TJ Monterde, kinilala bilang Artist of the Year at KDR Icon sa 11th Wish Music Awards
Nakibahagi rin si Elijah Canlas sa naturang Kilos-Protesta kung saan inakusahan niya ang Government Officials at iba pang sangkot na personalidad bilang “Best Actors” na umano’y nagnakaw sa pera ng mamamayan.
Naispatan din sa Rally sa EDSA sina Gabbi Garcia, Catriona Gray, Khalil Ramos, at Jane De Leon.
Samantala, namataan naman sina Maris Racal, Andrea Brillantes, Jodi Sta. Maria, Tessie Tomas, Angel Aquino, at Miss Philippines Earth Titleholder Joy Barcoma sa Rally sa Luneta sa Maynila.
