NILINAW ng Commission on Elections (COMELEC) na ang mga incumbent Sangguniang Kabataan (SK) officials ay maari pang tunakbo sa kaparehong posisyon sa November 2026 Barangay and SK Elections.
Nagpalabas ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act No. 12232, ang poll body, na nagsasaad ng term limits at election guidelines para sa barangay and SK officials.
ALSO READ:
Sa ilalim ng bagong alituntunin, lahat ng elected Barangay and SK officials sa November 2, 2026 elections ay magsisilbi ng four-year term.
Ang mga Barangay officials ay limitado lamang ng tatlong magkakasunod na termino sa kaparehong posisyon.
Samantala, ang SK officials na mananalo ay limitado lamang sa isang termino sa kada posisyon.




