13 March 2026
Calbayog City
National

“4+1” Blended Learning Model ng DepEd, tinutulan ng grupo ng mga guro

TUTOL ang Alliance of Concerned Teachers Philippines (ACT) sa panukalang “4+1” Blended Learning Model ng Department of Education (DepEd).

Naniniwala ang grupo na hindi mareresolba ng naturang plano ang lumalalang classroom shortage sa bansa, at sa halip ay makadaragdag lamang ito sa pasanin ng mga mag-aaral, pamilya, at mga guro.

Sinabi ni ACT Chairperson Ruby Bernardo na ang proposal na kinapapalooban ng 4 na araw na in-person classes at isang araw na online learning, ay pag-a-adjust lamang sa kakapusan ng classrooms at hindi pagtugon sa ugat ng problema.

Nagbabala rin si Bernardo na maaari lamang makadagdag sa gastos ng mga pamilyang nahihirapan na sa buhay ang blended learning.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.