Apat sa sampong Pilipino ang NAGPAHAYAG ng kanilang pagsang-ayon na dapat ma-impeach si Vice President Sara Duterte-Carpio.
Ito ay bunsod na rin sa nabunyag na hindi maayos na paggastos sa confidential at intelligence fund noong siya pa ang Kalihim ng Department of Education.
ALSO READ:
Mga senador, muling in-adjust ang schedule para sa ratipikasyon ng enrolled copy ng 2026 Budget
Sarah Discaya at mga co-accused, humihirit na makabalik sa kustodiya ng NBI
Ombudsman, ipinasusurender sa DPWH ang computers at devices na inisyu kay yumaong Undersecretary Cathy Cabral
PNP at Bulacan Government, ininspeksyon ang tindahan ng mga paputok sa Bocaue
Sabi sa Social Weather Station survey, 41% ng mga Pilipino na tinanong ang nagsabing dapat matanggal ang Pangalawang Pangulo.
Isinagawa ang survey mula Disyembre 12 hanggang 18, 2024, nasa 35 porsiyento ang tutol dito at 10 porsiyento ang undecided.
Si Duterte ay nahaharap sa tatlong impeachment complaint sa Kamara, dahil sa umano’y kapabayaan, pagtataksil sa tiwala ng publiko, at paglustay ng pondo ng bayan.
