5 July 2024
Calbayog City
Provincial

4 patay, 5 sugatan sa karambola ng mga sasakyan sa Laguna

APAT ang patay habang limang iba pa ang nasugatan sa karambola ng mga sasakyan sa Calamba City, sa Laguna.

Kabilang sa mga nasawi ang driver ng tricycle at dalawa nitong pasahero.

Ayon sa pro 4a, binabagtas ng motorsiklo at tricycle ang kalsada sa Barangay Halang patungong Barangay Pansol nang salpukin sila ng kasalubong na pickup truck na umokupa umano sa kanilang lane.

Nasa kustodiya na ng mga otoridad ang driver ng pickup na nahaharap sa mga kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide, multiple serious physical injuries at damage to properties.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *