APAT katao ang nasawi habang labindalawang iba pa ang nasugatan makaraang tangayin ang sinasakyan nilang rescue vehicle sa Spillway, sa La Libertad, Zamboanga Del Norte.
Gumamit ng excavator ang mga awtoridad para maiahon ang rescue vehicle na nahulog sa Dapitan River sa Barangay El Paraiso.
Ang mga nasawi ay kinabibilangan ng trenta’y siyete anyos na barangay captain sa bayan ng Dumingag, kanyang labing isang taong gulang na anak na lalaki, at dalawang babaeng kaanak.
Sa imbestigasyon ng pulisya, pauwi na ang mga biktima mula sa fellowship activity sa Calamba, Misamis Oriental, nang mangyari ang trahedya.
Naghanap umano ng shortcut ang driver, subalit naabutan sila ng baha na malakas ang agos, kaya nahulog ang sasakyan sa Spillway.