APAT na miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nasawi sa engkwentro laban sa tropa ng pamahalaan sa bulubunduking barangay ng San Isidro, sa Las Navas, Northern Samar.
Ayon sa 8th Infantry Division ng Philippine Army, narekober din ng mga sundalo mula sa NPA Hideout ang apat na M16 Rifles at isang M203 Grenade Launcher, kasunod ng bakbakan.
Commander-in-Chief, muling pinagtibay ang pangakong Serbisyo at Kapayapaan sa Eastern Visayas
Pangulong Marcos, pinatitiyak sa DOH ang pagpapatupad ng Zero Billing Program
Pinakamalaking Solar Irrigation Project sa Eastern Visayas, pinasinayaan na
Calbayog City, tumanggap ng bagong ambulansya mula sa PCSO na magpapalakas sa Local Emergency Response
Sinabi ni Capt. Jefferson Mariano, tagapagsalita ng 8th ID, pinalibutan ng ipinagbabawal na Anti-Personnel Mines ang kuta ng mga rebelde, kaya humingi sila ng suporta.
Nakasagupa rin ng Reinforcing Forces mula sa 803rd Infantry Brigade ang iba pang mga rebelde, malapit sa naunang Encounter Site.
Inihayag ng militar na ang kanilang nakasagupa ay mga miyembro ng NPA Eastern Visayas Regional Party Committee.