5 July 2024
Calbayog City
Provincial

4 na kabataang lalaki, patay sa aksidente sa Antipolo City

antipolo

Apat ang patay makaraang sumalpok ang kanilang sasakyan sa isang truck sa kahabaan ng Marcos Highway sa Antipolo City, sa Rizal.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Ryan Manongdo, hepe ng Antipolo City Police, ang mga biktima ay pawang kabataang lalaki, edad bente uno hanggang bente dos, at mga residente ng lungsod.

Kinilala ang driver ng kotse na si Juanito Magsino.

Nangyari ang aksidente nang sumalpok ang sasakyan ng mga biktima sa likurang bahagi ng isang truck.

Iniimbestigahan pa ng mga otoridad kung ang aksidente ay bunsod ng illegal drag racing o nakainom ang mga biktima.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *