Apat na instructors mula sa Iowa College sa US na bumibisita sa kanilang partner university ang sugatan sa pananaksak sa isang parke sa Northeastern China.
Ayon sa school president na si Jonathan Brand, nasa public park ang mga instructor mula sa Cornell College sa Mount Vernon, Iowa, kasama ang isang faculty member ng kanilang partner institution, nang mangyari ang insidente.
ALSO READ:
Egypt at Red Cross, tumulong sa paghahanap sa labi ng mga bihag sa Gaza
US President Donald Trump, nakisayaw sa mga performer nang dumating sa Kuala Lumpur
10 katao, patay sa Russian Munitions Plant sa Urals
Peru, nagdeklara ng 30 araw na State of Emergency sa Lima para talakayin ang tumataas na krimen
Sinabi naman ng school spokesperson na si Jen Visser na nangyari ang krimen sa Jilin City at ang partner school ay Beihua University.
Nakarating na aniya sa US State Department ang tungkol sa stabbing incident sa China at mino-monitor na ang sitwasyon.
