30 January 2026
Calbayog City
Metro

4 na critically endangered na uri ng amphibian, nailigtas sa Malabon

NAKUMPISKA ng mga otoridad ang apat na live axolotl salamander na itinuturing nang critically endangered na uri ng amphibian at kilala rin sa tawag na Mexican walking fish.

Ikinasa ang joint wildlife law enforcement operation sa Barangay Hulong Duhat matapos matanggap ang impormasyon sa umano’y ilegal na bentahan ng wildlife species.

Agad namang ikinasa ng Northern Police District ang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawang suspek.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).