14 July 2025
Calbayog City
Province

4 na Chinese at 9 na Pinoy, arestado sa iligal na pagmimina sa Agusan Del Sur

APAT na Chinese Nationals at siyam na Pilipino ang arestado bunsod ng umano’y Illegal Mining Operations sa Bunawan, Agusan Del Sur.

Ayon sa Criminal Investigation and Detection Group – Caraga  (CIDG-13), dinakip ang mga suspek dahil sa paghuhukay ng ginto at minerals nang walang permit mula sa Mines and Geosciences Bureau, na labag sa Philippine Mining o Republic Act 7942.

air asia

Inaresto ang apat na dayuhan sa Site 1 at Site 3 habang ang siyam na Pinoy ay dinakip sa Site 2.

Tinaya naman sa halos walong milyong piso ang halaga ng lahat ng kagamitan na narekober mula sa lugar.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).