LIMANG proyekto ng Department of Education (DepEd) na nagkakahalaga ng apat na bilyong piso ang maaapektuhan sa pagsasara ng United States Agency for International Development (USAID).
Ayon kay DepEd Assistant Secretary Roger Masapol, kabilang sa 94.02-Million Dollar basic education projects na pinondohan ng USAID ang ABC+ o advancing basic education, na makakatulong para ma-improve ang reading abilities ng kinder hanggang grade 3 learners.
Goitia nilinaw ang isyu sa umano’y ₱1.7 Trilyong “Market Wipeout”
2 pang barko ng BFAR, winater cannon ng China Coast Guard malapit sa Pag-asa Island – PCG
DOJ, hindi pa rin kuntento sa impormasyon mula sa mga Discaya kaugnay ng Flood Control Scandal
Kaso ng Influenza-Like Illnesses, mas mababa ngayong taon – DOH
Sinabi ni masapol na natapos ang ABC+ project noong 2024 subalit binigyan ng extension simula 2025 hanggang 2026.
Inihayag ng DepEd official na mula sa limang projects, dalawa ang nasa policy level habang ang natitira ay nakatutok sa mga proyekto sa partikular na lokasyon.
Tiniyak naman ni masapol na ipagpapatuloy ng DepEd ang paghahanap ng pondo para sa mga proyekto kahit walang tulong mula sa USAID.