11 September 2025
Calbayog City
Overseas

4 katao, patay mahigit 60, sugatan sa pag-atake ng Israel sa Houthis kasunod ng paglulunsad ng mga rebelde ng bagong uri ng Missile

INATAKE ng Israeli Military ang Houthis ng Yemen matapos maglunsad ang mga rebelede ng bagong uri ng Missile sa Israel.

Ayon sa Israel Defense Forces (IDF), inatake nila ang isang Military Site kung saan matatagpuan ang Presidential Palace, pati na ang dalawang Power Plants at isang Fuel Storage Site.

Sa ulat ng Al-Masirah TV, hindi bababa sa apat katao ang nasawi habang animnapu’t pitong iba pa ang nasugatan sa pag-atake sa kabisera ng Yemen na Sanaa.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).