12 October 2025
Calbayog City
National

Top 5 sa Mindanao ang 106 TRABAHO Partylist -WR Numero Survey

Namayagpag sa Mindanao ang 106 TRABAHO Partylist kung saan ito ay itinanghal na top 5 partylist ayon sa pinakahuling Pre-Election Preferences for the 2025 Party-List Elections survey na isinagawa ng WR Numero Research (WRN).

Sa datos ng COMELEC, mayroong 16,433,308 rehistradong botante mula sa anim na mga rehiyon sa Mindanao, kabilang ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Hataw lalo sa Metro Manila ang 106 TRABAHO kung saan ito ay itinanghal na top 3 partylist. Ito na rin ang pinakamataas na naitalang ranggo ng TRABAHO Partylist, bilang 106 sa balota, sa mga survey na isinagawa ng WRN.

Ang nasabing survey ay nilahukan ng halos 1,894 rehistradong botante nitong Marso 31 hanggang Abril 7.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).