22 November 2024
Calbayog City
National

Sitwasyon sa bansa bago ang Barangay at SK Elections mapayapa pa rin, ayon sa PNP

NANANATILING mapayapa ang security situation sa bansa bago ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections, sa kabila ng pagtaas ng insidente ng mga karahasan, isang linggo bago ang Halalan, ayon sa PNP.

Sa pinakahuling datos kahapon, inihayag ng pnp na umakyat na sa dalawampu’t tatlo ang kumpirmadong election-related incidents, mula sa isandaan dalawampu’t siyam na kaso na kanilang naitala sa buong bansa.

Sumasailalim naman sa balidasyon ang dalawampu’t siyam pang insidente habang ang pitumpu’t pito ay itinuring na walang kinalaman sa Halalan.

Binigyang diin ni PNP Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo na ang validated election-related incidents ngayong taon ay mas mababa pa rin kumpara sa apatnapu na naitala noong 2018 Barangay at SK Elections.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *