UMAKYAT na sa 355 ang death toll sa bagyo na tumama sa Sri Lanka noong nakaraang Linggo habang 366 naman ang bilang ng mga nawawala.
Ang Cyclone Ditwah na may dalang malalakas na hangin at mga pag-ulan ay nagdulot ng pinakamatinding pagbaha sa bansa sa nakalipas na isang dekada.
Sinabi ni President Anura Kumara Dissanayake, na ito ang unang beses na nakaranas ang buong bansa ng matinding sakuna, na tinawag niyang “largest and most challenging” sa kasaysayan ng Sri Lanka.
Nagdulot din ang bagyo ng malakas na pag-ulan sa Southern State ng Tamil Nadu sa India noong weekend, kung saan tatlo ang nasawi.




