31 March 2026
Calbayog City
Province

Army officer patay, 2 iba pa nasugatan sa engkwentro laban sa mga rebelde sa Occidental Mindoro

PATAY ang isang opisyal mula sa 68th Infantry Battalion sa ilalim ng 203rd Infantry Brigade ng Philippine Army sa Occidental Mindoro sa engkuwentro laban sa mga rebelde.

Ayon kay Brig. Gen. Melencio Ragudo, Commander ng 203rd Infantry Brigade, nagkasagupa ang tropa ng pamahalaan at nasa 25 miyembro ng kilusang larangang gerilya ng New People’s Army sa Sitio Salafay, Barangay Monteclaro, sa bayan ng San Jose.

Tumagal ng halos isang oras ang sagupaan na ikinasugat din ng dalawang sundalo.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).
Listen Live