HINDI bababa sa 13 katao ang nasawi habang 1,929 na iba pa ang nasugatan sa mga pag-atake ng Iran sa Israel simula noong nakaraang linggo.
Ayon sa Health Ministry, aabot sa 157 katao ang nasugatan sa Iranian strikes sa nakalipas lamang na 24 oras.
ALSO READ:
Mahigit 40, patay sa air at ground operations ng Israel sa Lebanon
Iran, ipinagpaliban ang funeral ceremony para sa nasawing supreme leader dahil sa patuloy na pambobomba sa bansa
US, magpapadala ng mga eroplano para i-evacuate ang kanilang mamamayan mula sa Middle East
US Embassy sa Riyadh, tinamaan ng drones, ayon sa Saudi Defence Ministry
Nasa 112 naman ang nananatili sa ospital, kabilang ang siyam na nasa seryosong kondisyon.
Hinimok ng ministry ang Israelis na magmadali sa pagtungo sa bomb shelters ng may pag-iingat, dahil posibleng masaktan sila habang tumatakbo para magkubli at makaligtas sa mga bomba.
