13 October 2025
Calbayog City
Province

4 katao, patay makaraang araruhin ng truck ang mga sasakyan at kabahayan sa Lucena City sa Quezon

APAT ang kumpirmadong nasawi habang walo ang nasugatan makaraang araruhin ng truck ang mga sasakyan at kabahayan sa gilid ng Maharlika Highway, sa Barangay Isabang, sa Lucena City, Quezon.

Sa impormasyon mula sa Lucena City Police Station, patungo ang truck sa City Proper nang mawalan ng kontrol habang umaapoy ang gulong nito.

Unang sinalpok ng truck ang nakaparadang limang sasakyan saka inararo ang tatlong kabahayan at iba pang mga nakaparadang sasakyan sa gilid ng Highway.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).