Matapos sumailalim sa tatlong buwan na retrofitting, binuksan na sa mga motorista ang Southbound Lane ng Kamuning Flyover sa Quezon City.
Mas napaaga dalawang buwan ang pagbubukas ng kalsada kay sa sa itinakda ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
DepEd NCR, nag suspinde ng Face-to-Face Classes ngayong Lunes hanggang bukas
Maynila, nakakolekta na ng 160 million pesos na buwis mula sa Flood Control Contractors
Navotas Floodgate, nabutas matapos mabangga ng barko
DOTr, binigyan ng Special Permits ang mahigit 200 na bus para magsakay ng mga pasahero sa NIA Road
Ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes mabilis natapos ang retrofitting dahil na rin sa maayos na ugnayan ng mga concerned agencies.
Ani Artes, isinagawa ang aktibidad para matiyak ang tibay ng flyover sakaling mayroong tumamang malakas na lindol.
Ayon naman kay DPWH National Capital Region (NCR) Regional Director Loreta Malaluan, nagpapatuloy naman ang pagsasaayos sa ilalim ng flyover.
Sa datos ng MMDA Traffic Engineering Center, aabot sa 24,000 four-wheeled vehicles at 23,000 na motorsiklo ang dumadaan sa southbound lane ng flyover kada araw.
(DDC)