PINUNA ng Commission on Audit (COA) ang Department of Health (DOH) matapos madiskubre ang mahigit 30 million pesos na halaga ng mga expired na gamot.
Batay sa annual audit report ng COA sa DOH para sa taong 2024, natuklasan na 34.8 million pesos na halaga ng drugs, medicines, at iba pang inventories ang expired na.
ALSO READ:
Bukod dito, halos isandaang milyong pisong halaga ng gamot ang malapit ng ma-expire.
Sinabi naman ni DOH Spokesperson Albert Domingo, na maaring naipamahagi na ang mga gamot dahil may isang taon pa bago ma-expire ang mga ito nang isagawa ang audit.
Idinagdag ni Domingo na nagpapatupad na ang ahensya ng Electronic Logistics and Management Information System, subalit 60% hanggang 70% lamang ang gumagana.




