NAGSUMITE ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) ng referral laban kay Dating Senador Bong Revilla Jr. at iba pang personalidad sa Office of the Ombudsman bunsod ng maanomalyang Flood Control Projects.
Sa press briefing, sinabi ni ICI Chairperson Justice Andres Reyes Jr. na inirekomenda nilang kasuhan si Revilla, gayundin ang negosyanteng si Maynard Ngu, at iba pang mga indibidwal.
Ayon kay Reyes, kabilang sa mga posibleng kaso na ihahain sa mga naturang personalidad ay Direct or Indirect Bribery, Corruption of Public Officials, Plunder, at Administrative Sanctions.
Una nang itinanggi ni Revilla ang alegasyon na tumanggap siya ng kickbacks mula sa Flood Control Projects na pinondohan ng pamahalaan.




