NANGHIMASOK din si Dating Presidential Legislative Liaison Office Undersecretary Adrain Bersamin sa presidential appointments sa loob ng Department of Justice (DOJ), ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla.
Una nang iniugnay si Bersamin sa umano’y Kickback Scheme na kinapapalooban ng Fund Insertions sa 2025 National Budget.
3 sa 7 sasakyan ng mga Discaya, naisubasta na
Pang. Marcos, nagbiro tungkol sa cabinet shake-up
Ombudsman, magsasampa ng kaso laban kay Dating Speaker Romualdez kaugnay ng flood control sa loob ng 6 hanggang 9 na buwan
Dating Bamban Mayor Alice Guo, sinentensiyahan ng habambuhay na pagkakakulong bunsod ng Qualified Trafficking
Ginawa ni Remulla ang pahayag bilang tugon sa mga tanong kung iimbestigahan ng Ombudsman ang mga paratang ni Dating Public Works Undersecretary Roberto Bernardo na tumanggap si Bersamin ng bilyon-bilyong pisong kickbacks mula sa maanomalyang Flood Control Projects.
Sinabi ng Ombudsman na dati nang nasa radar niya ang dating Palace official dahil maraming balita tungkol sa mga aktibidad nito. Idinagdag ni Remulla na bagaman nakapangingilabot ang mga kwento at tila kapani-paniwala, ay pag-aaralan pa rin nila ang iba pang mga available na ebidensya.
