NASUNGKIT ng Creamline ang kanilang unang panalo sa 2026 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference.
Nakamit ng Cool Smashers ang tagumpay kapalit ng pagpapabagsak sa kanilang sister team na Choco Mucho, sa score na 27-25, 17-25, 25-21, at 25-15, sa jam-packed na Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Nakabawi ang Creamline mula sa three-set loss sa PLDT noong nakaraang Linggo nang magsimula ang kanilang kampanya. Pinangunahan nina Tots Carlos at Bernadeth Pons ang Cool Smashers sa fourth frame para ma-improve ang kanilang win-loss record sa 1-1 habang bumaba ang Flying Titans sa 1-2.




