AKSIDENTENG bumangga ang isang motor tanker sa barko ng Philippine Coast Guard (PCG) sa kasagsagan g Fluvial Procession sa Pier 2, sa Cebu City, sa kapistahan ng Pit Señor.
Ayon sa PCG, hindi inaasahan ang pagbilis ng takbo ng M/T Sugbu 3 sa port side ng BRP Cape San Agustin at tinamaan ang port bow nito.
ALSO READ:
Mag-amang namaril sa Bondi Beach sa Australia, halos hindi lumalabas sa kanilang hotel room sa Davao habang nasa Pilipinas
Rockfall event, namataan sa Bulkang Mayon
Wage Hike sa MIMAROPA at Zamboanga Peninsula epektibo sa Jan. 1
Mahigit 15K na iligal na vape units na kinumpiska mula sa Visayas, winasak ng BIR
Dahil dito, inatasan ni Lt. Commander Ramon Padillo, Acting Commanding Officer ng Cape San Agustin ang throttle man na patayin ang lahat ng mga makina.
Nagdeploy din ang coast guard crew ng fender upang ma-minimize ang epekto at maiwasan ang malaking pinsala sa dalawang barko.
Wala namang nasaktan sa naturang insidente, ayon pa sa PCG.
