Tiniyak ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa mga residente ng Metro Manila ang uninterrupted o tuloy-tuloy na supply ng tubig hanggang sa katapusan ng Abril.
Ito’y matapos ibasura ang plano na bawasan ang water allocation simula sa April 16 dahil nananatiling mas mataas sa 195 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam na pinagkukunan ng supply ng Metro Manila.
Inihayag ni DENR Undersecretary Carlos David na sumang-ayon ang National Water Resources Board (NWRB) na kanilang attached agency, na kung mas mataas sa 195 meters ang water elevation sa Angat Dam, mananatili ang 50 cubic meters per second hanggang April 30.
Gayunman, kung bababa aniya sa 195 meters ang tubig ay magtatapyas sila ng alokasyon para sa Metro Manila.