5 July 2024
Calbayog City
Sports

37 koponan lalahok sa PNVF Challenge Cup

KABUUANG 37 teams na kinabibilangan ng 20 men at 17 women, ang lalahok sa Philippine National Volleyball Federation’s Challenge Cup simula sa Nov. 6 sa Rizal Memorial Coliseum.

Gaganapin ang elimination round simula Nov. 6 hanggang 9 at Nov. 13 hanggang 19, at ang quarterfinals ay itinakda sa Nov. 20 para sa kalalakihan at Nov. 21 para sa kababaihan.

Mapapanood naman ang semifinals sa Nov. 22 habang ang finals ay sa Nov. 23.

Ayon kay PNVF President Ramon “Tats” Suzara, mayroong 76 matches sa buong Men’s at Women’s Division, kung saan anim na laro ang gagapin sa kada isang araw.

Ang Challenge Cup ay orihinal na binuo para sa Local Government Unit-Based Clubs, subalit maari na ring sumali ang mga school teams at iba pang koponan mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *