MAARI nang makabili ang mga consumer ng bigas sa halagang 35 Pesos kada kilo, kasunod ng deklarasyon ng Food Emergency sa bigas.
Gayunman, kapalit nito ay ang pagkalugi ng hanggang 2.25 Billion Pesos sa National Food Authority (NFA), dahil ibebenta nila ang bigas ng mas mura kumpara sa pagkakabili nila.
Ayon kay NFA Department Manager Roy Untiveros, magre-release ang ahensya ng kanilang stocks na well-milled rice na hanggang 3 months old, sa Local Government Units, Government-Owned and Controlled Corporations, at kadiwa ng Pangulo sites sa halagang 33 Pesos per kilo.
Sinabi ni Untiveros na nagpadala na sila ng sulat sa LGUs upang ma-establish ang demand na magiging basehan ng buwanang alokasyon sa mga lugar.
Ilalabas ang stocks sa pamamagitan ng Food Terminal INC. Saka ibebenta sa publiko sa halagang 35 Pesos Kilo, na kabilang sa pinakamurang available na bigas.