NASUNOG ang tatlumpung kabahayan sa Valenzuela City dahil umano sa naiwang nakasinding kandila, sa Barangay General T. De Leon.
Ayon sa Barangay Disaster Risk Reduction and Management Office (BDRRMO), mabilis na kumalat ang apoy dahil gaya sa mga kahoy ay plywood ang karamihan sa mga bahay sa lugar.
ALSO READ:
Nahirapan din ang mga bumbero dahil masisikip ang mga eskinita papasok sa nasusunog na mga bahay.
Bagaman walang naitalang nasawi ay dalawang lalaki ang nasugatan at kapwa nasa maayos ng kalagayan.
Nasa limampung pamilya ang naapektuhan ng sunog, at pansamantalang nanunuluyan ang mga biktima sa barangay hall.




