DINAKIP ng mga awtoridad ang tatlong pulis na umano’y nanggulo sa loob ng isang Bar sa Barangay Sikatuna Village sa Quezon City.
Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), nakatanggap sila ng Report sa pamamagitan ng 911 Hotline tungkol sa panggugulo ng tatlong lalaki na kalaunan ay nakilalang mga pulis.
Nakumpiska mula sa mga inaresto ang 9MM Pistols, Magazines na may kargang mga bala, at kanilang Police Identification Cards.
Nahaharap ang tatlong police officers sa reklamong Alarms and Scandals.




